Tang Gawing Makulay Ang Buhay promo winner, tinanggap na ang one million
MANILA, Philippines – Tinanggap kamakailan ng Tang Gawing Makulay Ang Buhay promo winner ng Radio GMA na si Janice Oandasan ang kaniyang one million grand prize mula kina RGMA President Mike Enriquez at Tang Assistant Brand Manager Lawrence Lorico.
Sinabi ni Oandasan, 29 years old mula sa Tuguegarao at nagtatrabaho bilang food server sa isang ospital, na itatabi niya sa bangko ang kanyang napanalunan para sa pag-aaral ng kanyang dalawang anak at upang magsimula ng isang maliit na negosyo para sa kaniyang pamilya.
Lubos ang pasasalamat ni Oandasan sa Tang at Radio GMA dahil sa malaking papremyo na ipinagkaloob sa kaniya.
“Sa pamamagitan nito, hindi na namin kailangang problemahin pa kung saan kami kukuha ng pampaaral sa aking mga anak. Nagpapasalamat ako sa Tang at Radio GMA dahil ginawa nilang makulay ang aming kinabukasan,” saad niya.
Namigay din ang Tang Gawing Makulay Ang Buhay ng tig-P3000 sa 300 maswerteng participants sa nasabing Luzon-wide promo na dinaluhan ng 7 RGMA stations.
- Latest