^

Police Metro

Ina ‘di nagbigay ng pang-toma, dedo sa anak

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kritikal ang kondisyon ng isang 60-anyos na biyuda nang barilin ng sariling anak dahil hindi nabigyan ng pambili ng alak sa Barangay Canaolan, Binmaley, Pangasinan, kamakalawa.

 Ang biktimang si Marieta Abalos ay patuloy na isinasalba ang buhay sa Ramirez-Bautista Memorial Hospital dahil sa matinding tama ng bala sa kanyang katawan. Arestado naman ang suspek na si Aldrin Abalos, 30, caretaker.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas -11:50 ng tanghali nang katukin ng suspek ang ina at humihingi ng pera para pambili ng alak dahilan nabitin ito at ang mga kabarkada. Ngunit tinanggihan ito ng biktima pero nangako pa rin na magbibigay ng pera kinabukasan.

Dahil dito ay agad na nagwala  ang suspek at binaril gamit ang improvised na armas ang ina na duguang napalugmok sa sahig sa insidente. Isinasailalim pa sa masusing imbestigasyon ng pulisya ang kasong ito.

vuukle comment

ALDRIN ABALOS

ARESTADO

BARANGAY CANAOLAN

BINMALEY

DAHIL

ISINASAILALIM

KRITIKAL

MARIETA ABALOS

NGUNIT

RAMIREZ-BAUTISTA MEMORIAL HOSPITAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with