Signal jamming sa Papal ‘areas of engagements’
MANILA, Philippines - Ipinatupad ng mga awtoridad ang ‘signal jamming’ sa mga mobile phones ‘ at maging ng internet sa ikalawang araw ng pagbisita ni Pope Francis partikular na sa ‘areas of engagements’ nito kabilang sa Apostolic Nunciature, ang papal home sa lungsod ng Maynila.
Una rito, bago ang pagbisita ni Pope Francis ay sinabi ng ilang opisyal ng PNP at AFP na posibleng ikonsidera nila ang ‘signal jamming ‘ bilang bahagi ng security measures para sa kaligtasan ng pinakamataas na lider ng Simbahang Katoliko.
Humingi ng paumanhin ang ilang telecommunications sa naganap na temporary interruptions ng mobile phone services.
Ito umano ay isinagawa bilang tugon sa direktiba ng NTC base na rin sa pagbisita ni Pope Francis.
- Latest