^

Probinsiya

Transmission tower ng NGCP pinasabog

Joy Cantos at Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dumanas ng blackout ang maraming bayan sa North Cotabato, at Maguin­danao partikular na sa Cotabato City matapos na pasabugin ng mga armadong kalalakihan ang transmission tower ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa bayan ng Pagalungan, Maguindanao noong Martes ng gabi sa Central Mindanao.

Ayon kay Captain Jo-ann Petinglay, spokesperson ng Army’s 6th Infantry Division, tatlong improvised explosive device (IED) ang ginamit sa pambobomba sa transmission tower.

Bandang alas-9:10 ng gabi nang pasabugin ang transmission tower #26 ng NGCP sa Barangay Galakit, bayan ng Pagalungan, Maguindanao.

Sa lakas ng pagsabog ay nawasak at bumigay ang nasabing transmission tower na nagsu-supply ng kuryente sa Cotabato City, North Cotabato at ilang bahagi ng Maguindanao.

Ang insidente ay nagdulot din ng mahigit dalawang oras na blackout sa mga naapektuhang lugar.

Narekober ng tropa ng militar at ng lokal na pulisya ang mga fragments ng mortar habang naibalik naman ang serbisyo ng kuryente bandang alas-11:45 ng gabi.

Sa kasalukuyan ay wala pang grupo na umaako sa naganap na pagpapasabog pero sa kabila nito ay nakita ang mga markings sa cellular phone ng tatak ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters rebels.

vuukle comment

BANGSAMORO ISLAMIC FREEDOM FIGHTERS

BARANGAY GALAKIT

CAPTAIN JO

CENTRAL MINDANAO

COTABATO CITY

INFANTRY DIVISION

MAGUINDANAO

NATIONAL GRID CORPORATION OF THE PHILIPPINES

NORTH COTABATO

PAGALUNGAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with