Sana lang hindi palpak ang hula, Mary Jane Lastimosa mananalo raw Miss U!
Ang sabi ng mga vaklush, malaki ang tsansa ni Mary Jane Lastimosa na manalo bilang Miss Universe.
Taon-taon na lang, ganyan ang mga sinasabi nila tungkol sa mga kandidata natin na ipinadadala sa mga international beauty pageant pero ang ending Luz Valdez sila.
Beauty queen material si Mary Jane Lastimosa pero magaganda rin ang mga kalaban niya sa Miss Universe 2014. Tigilan na dapat ng mga baklita ang pagbibigay ng mga prediction. Hintayin na lamang nila ang resulta bago sila mag-pralala na mananalo sa Miss Universe ang 27-year old Pinay beauty dahil sila rin naman ang mapapahiya kapag pumalpak ang kanilang mga hula.
Mga endorser sa boardwalk sa corridor pina-interview
Naloka ang mga reporter na imbitado sa presscon kahapon ng Boardwalk dahil pinalabas ang mga celebrity endorser sa corridor para dito interbyuhin.
Nag-babu ang ibang entertainment writers dahil hindi sila komportable na mag-interbyu habang nakatayo.
Eh senior citizen pa naman ang ilan sa mga entertainment reporter na nagtataka dahil di-hamak na mas maayos mag-interbyu ng mga artista kung mga nakaupo sila.
Nasayang daw tuloy ang malawak na ballroom na hindi nagamit dahil sa pakulo ng presscon organizer.
Mabuti na lang, wala ako sa presscon ng Boardwalk or else, magtataray ako kesehodang namigay sila ng mga gift certificate.
Winwyn nagbago ang anyo sa pictorial ng Bb. Pilipinas
Thirty-four ang official candidates ng Bb. Pilipinas 2015 at 34 ang number ni Winwyn Marquez.
Last but not the least si Winwyn sa mga kandidata at pabor ito sa kanya dahil mapaghahandaan niya ang pagrampa.
Kung kakabahan man si Winwyn, siguradong konti lang dahil marami na ang nauna sa kanya sa pagrampa.
Nakita ko na ang mga litrato ni Winwyn sa Bb. Pilipinas. Malaki ang ipinagbago ng physical appearance ni Winwyn dahil beauty queen na beauty queen na ang kanyang dating. Sana nga, makuha ni Winwyn ang isa sa mga beauty title at crown ng beauty contest na sinalihan niya.
Pope Francis nakaka-excite
Excited na ako sa pagdating bukas ni Pope Francis sa ating bansa.
Hindi lang ako ang excited dahil buong Pilipinas ang nag-aabang sa pagdating ng Santo Papa.
Sa totoo lang, nakatulong ang social media sa popularidad at maingay na pagbisita ni Pope Francis sa bayan natin.
Mas pinag-uusapan ang pagdating ni Pope Francis kumpara sa pagdalaw ni Pope John Paul VI sa Pilipinas noong 1995. Hindi pa kasi uso noon ang social media at never heard pa ang Internet.
Iilan lamang ang gumagamit noon ng mga cellphone. Hindi kagaya ngayon na pati ang mga batang paslit, nagmamay-ari ng mga cellphone at mga iPad ang kanilang mga nilalaro.
Nakaka-sad isipin na hindi na kilala ng mga bagets ang patintero, taguan, tumbang preso at kung anik-anik pa na klase ng laro na nakagisnan ko noong araw.
AiAi delas Alas sandali lang sa social media
Ang sey ni AiAi Delas Alas, magiging active ang kanyang social media account hanggang sa November 2015.
Tatapusin lamang ni AiAi ang kanyang silver anniversary concert sa Mall of Asia Arena sa November 14 at saka uli siya magbababu sa social media.
Hindi afraid na mag-goodbye sa social media si AiAi dahil naranasan nito ang tahimik na buhay nang isara niya noon ang kanyang Instagram account.
- Latest