Kris hindi rin naniniwala sa ‘kaeklayan’ na hindi na siya sasali sa MMFF 2015; TV host na si Susan Calo-Medina namatay habang natutulog
SEEN: Ang taping kahapon ng cast ng Home Sweetie Home ng ABS-CBN sa Mt. Fuji, Japan. Lumipad sa Japan noong Biyernes ang cast ng Home Sweetie Home sa pangunguna nina John Lloyd Cruz at Toni Gonzaga.
SCENE: Ang joint victory party ng cast ng Feng Shui 2 at The Amazing Praybeyt Benjamin noong Biyernes. Number 1 and number 2, respectively, ang The Amazing Praybeyt Benjamin at Feng Shui 2 sa box-office race ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2014.
SEEN: Ang last run ng Here Lies Love sa National Theater, London noong January 8 at ang pasasalamat ng mga producer ng musicale play kay Mark Bautista na ginampanan ang role ni former President Ferdinand Marcos. Pabalik na ng Pilipinas si Mark.
SCENE: Nakaburol sa Sanctuario de San Antonio sa Forbes Park ang labi ni Susan Calo-Medina, ang travel show host na sumakabilang-buhay noong Biyernes habang natutulog. Nakita pa si Medina sa isang mall sa Makati City noong Huwebes.
SEEN: Ang live announcement sa January 15 ng mga nominasyon sa 24 categories ng 87th Academy Awards sa Samuel Goldwyn Theater, Beverly Hills. Sa February 22 ang awards night ng Oscars at idaraos ito sa Dolby Theater, Los Angeles.
SCENE: Maging si Kris Aquino ay hindi naniniwala sa kanyang early press release na hindi siya magsasali ng pelikula sa Metro Manila Film Festival 2015.
SEEN: Satisfied ang Viva Films sa first day gross noong Huwebes ng kanilang opening salvo, ang Tragic Theater. Inaasahan ng Viva Films na madaragdagan ang mga manonood ng Tragic Theater ngayong weekend.
SCENE: Naayos na ang problema ni Eric Tai aka The Eruption sa Bureau of Immigration kaya nakabalik na siya bilang co-host ng It’s Showtime.
- Latest