^

Probinsiya

Civilian volunteers sugatan sa Sayyaf attack

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang miyembro ng Barangay Peacekeeping Team (BPAT) ang nasugatan matapos na paulanan ng bala ng mga bandidong Abu Sayyaf ang grupo ng mga sibilyang volunteers kahapon ng umaga sa sa Brgy. Ki­yutaan, Talipao, Sulu.

Kinilala ni Col. Allan Arrojado, Commander ng Joint Task Group Sulu ang na­sugatang biktima na si  Akmad Aburan. Bandang alas-6:05 ng umaga ng umatake ang nasa 30 bandido mula sa grupo ni Abu Sayyaf Sub Commander Angga Adji at  Roger Saji na nagpaulan ng M203 grenade launcher sa tanggapan ng BPAT na pinamumunuan ni  Konsehal Lakim Uddin. Nagkaroon ng palitan ng putok sa pagitan ng magkabilang panig na tumagal ng 10 minuto.

Nagsitakas naman ang mga bandido matapos na mamataan ang papalapit na puwersa ng tropa ng militar. Joy Cantos

 

ABU SAYYAF

ABU SAYYAF SUB COMMANDER ANGGA ADJI

AKMAD ABURAN

ALLAN ARROJADO

BARANGAY PEACEKEEPING TEAM

JOINT TASK GROUP SULU

JOY CANTOS

KONSEHAL LAKIM UDDIN

ROGER SAJI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with