Palit-plaka kinontra
MANILA, Philippines – Tutol ang pamunuan ng Automobile Association Philippines (AAP) sa hakbang ng Land Transportation Office (LTO) sa pagpapalit ng plaka ng mga 4 wheel vehicles tulad ng mga kotse. Sa ilalim ng LTO Memorandum Circular No. AVT-2014-1895 ang lahat ng uri ng sasakyan ay kailangang palitan ng bagong plaka at magbabayad ng P450.00 kada unit. Ayon kay AAP President Gus Lagman, ang naturang kautusan ay magbubunsod lamang ng dagdag hirap sa mamamayan lalu pa at lahat ng gastusin ngayon ay tumaas ang halaga tulad ng maintenance fee ng mga sasakyan, spare parts, mga bayarin at serbisyo kasama na ang toll fee. “Kailangan lang palitan ang plaka kapag sira na. Hangga’t malinaw pa at nababasa ang mga letra at numero, dapat hayaan tayong gumamit niyan,” paliwanag ni Lagman. Idiniin ni Lagman na ang patakarang ito ay mistulang pinagagastos ang mga motorista kahit na ayaw ng mga itong bumili ng bago dahil sa maayos pa ang kanilang gamit na car plates.
- Latest