Lacson nagbitiw bilang Rehab Czar
MANILA, Philippines – Naghain na ng kanyang irrevocable resignation kay Pangulong Aquino si Rehabilitation Czar Panfilo Lacson na epektibo sa Pebrero 2015.
Sinabi ni Lacson na tapos na ang kanyang trabaho bilang Presidential Assistant for Rehabilitation and Recovery kaya bibitawan na nito ang posisyon.
Itinalaga ni PNoy si Lacson bilang rehab czar sa reconstruction and recovery program para sa mga lugar na biktima ng bagyong Yolanda.
Sa panayam sa DZBB, magiging epektibo ang kanyang resignation sa Peb. 10 o mid ng Pebrero 2015.
Aniya, dapat ay ibigay na sa NDRRMC ang kanyang trabaho bilang permanent government agency.
Nakahanda pa rin ang opisyal na tumulong sa Aquino government kung itatalaga siyang imbestigahan ang anomalya sa Bilibid.
- Latest