Tatay pinatay sa harap ng kanyang mag-ina
MANILA, Philippines – Mismong sa harap ng kanyang mag-ina pinagbabaril ang isang lalaki ng hindi pa kilalang suspek na naganap kamakalawa sa Makati City.
Ang biktima na nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang katawan at namatay habang dinadala sa Makati Medical Center (MMC) ay kinilalang si Jesstony Saddie, nasa hustong gulang, ng Villanueva St., ng lungsod.
Sa ulat, dakong alas-2:00 ng hapon pasakay na ang biktima kasama ang kanyang misis at anak na 5-anyos na lalaki sa taxi sa harapan ng La Paz Building, kanto ng Salcedo at Rufino Sts., Legazpi Village ng biglang sumulpot ang suspek.
Kaagad na binaril sa ulo ang biktima at nang nakabulagta ay muli itong pinagbabaril ng suspek na kaswal lang na naglakad sa pagtakas.
Patuloy ang imbestigasyon ng kaso sa motibo ng pagpatay sa biktima.
- Latest