^

Para Malibang

Niloko ng bestfriend

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Ako po ay nakulong dahil sa pagtatanggol sa girlfriend ko. Namamasyal kami noon nang biglang agawin ng dalawang lalaki ang bag niya. Nahabol ko yung isa at napukpok ko ng tubo sa ulo. Namatay yung lalaki at nakatakas naman ang kasama niya. Pero hindi bale sana na nakulong ako sa pagtatanggol sa nobya ko at sa aking sarili laban sa mga holdaper. Ang pinakamasakit ay ang pangyayaring paglabas ko ng kulungan ay ipinagtapat sa akin ng gf ko na buntis siya at ang tatay ay ang bestfriend ko. Umiiyak siya na humingi ng tawad sa akin. Iyon na ang huli naming pagkikita. Napakasakit po ng nangyari. Nagawa akong pagtaksilan ng gf ko at ng aking bestfriend. Poot at awa sa sarili ang nadarama ko hanggang ngayon dahil hindi ko akalaing magagawa akong kataluhin ng aking kaibigan. Ano pong gagawin ko? - Boy Labo

Dear Boy Labo,

Masakit nga ang karanasan mo sa pag-ibig. Pero huwag mo nang masyadong ipagdamdam pa ang pagtataksil nila sa’yo. Magpasalamat ka na lang na naging matapat sa iyo ang gf mo at sinabing ang ipinagbubuntis niya ay hindi sa iyo kundi sa kaibigan mo. Ipinakita nila ang tunay nilang kulay sa kabila ng pangyayaring kaya ka naghihirap sa kulungan ay dahil sa pagtatanggol sa nobya mo. Kalimutan mo na ang gf mo na hindi nagpahalaga sa kanyang pangako. Patawarin mo na rin siya at ang kaibigan mo at idalangin na sana, maging maligaya sila sa kabila ng ginawa nila sa’yo. Magpakabuti ka ngayong nasa laya ka na. Huwag sanang mawawala ang pag-asa mo sa buhay sa kabila ng mapait na sinapit ng iyong pag-ibig.

Sumasaiyo,

Vanezza

ANO

BOY LABO

DEAR BOY LABO

DEAR VANEZZA

HUWAG

IPINAKITA

IYON

KALIMUTAN

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with