^

PM Sports

Petron hangad walisin ang first round ng PSL

Pang-masa

MANILA, Philippines – Tatangkaing walisin ng paboritong Petron ang first round sa pagsagupa sa Foton sa women’s division ng 2014 Philippine Su­perliga Grand Prix na ini­hahandog ng Asics sa Cu­neta Astrodome.

Magtatapat ang Blaze Spikers at ang Tornadoes sa ganap na alas-6 ng gabi matapos ang laro ng Generika Life Sa­vers at ng Mane ‘N Tail Lady Stallions sa alas-4 ng ha­pon sa inter-club tournament na inorganisa ng Sports Core katuwang ang Air21, My Phone, Via Mare, Mikasa, Mueller Sports Medicine, Healthway Medical, Ge­ne­rika Drugstore, LGR at Jinling Sports bilang technical partners.

Sa likod ng matindi n­i­lang imports at ma­hu­hu­say na locals, ipinoste ng Petron ang 4-0 record para palakasin ang tsansa sa pag-angkin sa koronang binakante ng three-time champion na Philippine Army.

Sa huling panalo ng Blaze Spikers laban sa RC Cola-Air Force,  28-30, 25-23, 25-16, 25-19, hu­mataw si dating Miss Ore­gon Alaina Bergsma ng 26 points, habang nag­dagdag si top rookie Din­din Santiago ng 17 mar­kers.

“It’s all about preparation,” sabi ni Petron coach George Pascua. “Lahat ng teams malalakas at may ma­gagaling na locals at im­ports. It all boils down to how hard you do your homework.”

Nalasap naman ng Tor­nadoes ang kanilang ika­apat na sunod na ka­ma­lasan nang yumukod sa Cignal,  25-27, 14-25, 21-25.

Sa men’s division, sa­sa­gupain ng Cignal ang Ca­vite sa alas-8 ng gabi.

ALAINA BERGSMA

BLAZE SPIKERS

CIGNAL

COLA-AIR FORCE

GENERIKA LIFE SA

GEORGE PASCUA

GRAND PRIX

PETRON

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with