Algieri may natutunan kay Marquez
MANILA, Philippines - Handa si American challenger Chris Algieri kahit sa anong weight division sila maglaban ni Manny Pacquiao.
Ito ang deklarasyon ni Tim Lane, ang chief trainer ni Algieri, ilang linggo bago ang laban ng 5-foot-10 American sa 5’6 na si Pacquiao.
Gagawin ang laban nina Pacquiao at Algieri sa catchweight na 144 pounds na ayon kay Lane ay magiging malaking bentahe sa 30-anyos na challenger.
“He’s a huge 140 pounder,” wika ni Lane kay Algieri. “His best weight is at 144 so right in between 140 and 147, which is where we’re going to meet, which is Chris’ best weight. I don’t know who chose this weight but they chose it perfectly for Chris. The catch weight played into our hands for sure.”
Itataya ng 35-anyos na si Pacquiao ang kanyang hawak na World Boxing Organization (WBO) welterweight crown laban kay Algieri sa Nobyembre 22 sa The Venetian sa Macau, China.
Sinabi ni Lane na pinanood niya ang mga nakaraang fight tapes ni Pacquiao, at partikular dito ang pagsagupa ni ‘Pacman’ kina Mexicans Juan Manuel Marquez at Erik Morales.
Ayon kay Lane, marami siyang napulot na leksyon para matalo si Pacquiao.
Sinabi ni Lane na ang istilo ni Marquez ang pinakamabisang sandata para talunin si Pacquiao.
“After the fight happens I’ll tell you what I saw, especially in all the Marquez fights,” sabi ni Lane.
- Latest