^

Pang Movies

Dahil patuloy ang pagtulong, Angel tatanggap uli ng Public Service Award

FREELANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Hindi lang magaling na artista si Angel Locsin kundi may ginintuang puso rin sa pagtulong sa mga mahihirap at kapus-palad. Ang magandang aktres ay isang volunteer worker ng Philippine National Red Cross at malaki rin ang naitulong sa relief efforts sa ABS-CBN Foundation Sagip Kapamilya.

Dahil sa tuluy-tuloy na pagtulong sa mga kapus-palad na mga kababayan ay tatanggap uli ito ng Gintong Palad Public Service Award sa ikalawang pagkakataon. Ito’y idaraos ngayong Nobyembre 29, 2014 sa Illustratdo, Intramuros sa pakikipagtulungan sa Rotary Club of Intramuros na pinamumunuan ni Architect Aristeo ‘‘Ayet’’ Garcia.

Magiging panauhing pandangal si Mayor Joseph Estrada.

Alden hindi pinababayaan ng GMA

Malaki ang pagpapahalaga ng GMA-7 kay Alden Richards. Bukod sa pagbibigay ng makabuluhan at mabibigat na proyekto gaya ng Ilustrado, alaga rin ito ng network.

Sabi nga nito sa presscon ng Ilustrado ‘‘sobrang thankful ako sa GMA-7 dahil sa akin ipinagkatiwala ang role ni Dr. Jose Rizal sa Ilustrado. Puro award winning actors ang naunang gumanap dito gaya nina Cesar Montano, Albert Martinez, at Joel Torre kay pressured din po ako pero pagbubutihan ko po para ‘di mabigo ang GMA sa expectations nila sa akin.’’

Ang Ilustrado ay unang bayaniserye na ipinagmamalaki ng director na si King Marc Baco. Gumamit siya ng Arri Alexa camera na may high-end lenses at 3D visual effects technology kaya nag-level-up ang production value.

Inihahandog ng GMA News and Public Affairs ang 20-episode na Ilustrado na magtatampok sa journey ni Rizal mula noong bata pa siya hanggang mapunta ng Europa para mag-aral.

Tampok pa rin sa Ilustrado sina Solenn Heusaff, Eula Valdez, Ricardo Cepeda, Jaclyn Jose, Marco Alcaraz, Polo Ravales, Lito Legaspi, Freddie Webb, Max Collins, JC Tiuseco, at Lucho Ayala.

 

vuukle comment

ALBERT MARTINEZ

ALDEN RICHARDS

ANG ILUSTRADO

ARCHITECT ARISTEO

ARRI ALEXA

CESAR MONTANO

DR. JOSE RIZAL

EULA VALDEZ

ILUSTRADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with