Benilde, Jose Rizal magpapalakas
MANILA, Philippines - Palalakasin ng St. Benilde Blazers at Jose Rizal University Heavy Bombers ang paghahabol ng upuan para sa 90th NCAA men’s basketball Final Four sa pagharap sa mga koponang nasa ilalim ng standings nga-yong hapon sa The Arena sa San Juan City.
Unang sasalang ang Blazers sa Mapua Cardinals sa ganap na ika-2 ng hapon bago ang sagupaan ng Heavy Bombers at San Sebastian Stags dakong alas-4 ng hapon.
Hindi pa batid kung sino ang makakasama ng San Beda Red Lions at Arellano Chiefs sa Final Four, pero tiyak naman na may mangyayaring playoff sa season na ito.
Ang Perpetual Help Altas ay may 12-6 baraha para pansamantalang hawakan ang ikatlong puwesto at hihintayin nila kung sino ang makakalaban sa extra playdate sa liga.
Puwedeng magkaroon ng double-playoff para sa huling dalawang upuan sa semifinals dahil kaya pang tumapos ng host JRU at St. Benilde sa 12-6 karta.
Step-ladder playoff ang mangyayari at ang dalawang may pinaka-mababang quotient ang sasalang sa knockout at ang mananalo ang katunggali ng mapapahingang koponan para sa placing.
Galing sa 62-65 pagkatalo ang Blazers sa Altas sa huling laro at dapat na lumabas uli ang galing nina Mark Romero, Jonathan Grey at Paolo Taha laban sa Cardinals na makakabuo ngayon ng panlaban matapos ang magkasunod na forfeiture losses laban sa Letran Knights at Heavy Bombers.
“We have seven players for this game and we will try to go out with a bang,” wika ni Co na may apat na panalo matapos ang 17 laro para sa kanyang pinakamagandang karta matapos ang dalawang taon sa koponan.
- Latest