^

PSN Opinyon

‘Integridad ng mga namumuno’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

PAULIT-ULIT na tinatalakay ko sa aking progra­mang BITAG Live na napakahalaga ng integridad.

Kapag ang isang indibidwal mayroong integridad, siya ay pinagkakatiwalaan. Hindi ito ipinagkakaloob. Ito ay nakakamtan base sa resulta ng kaniyang mga pinaggagawa, sinasabi at ipinangangako. Wala siyang anumang bahid ng katiwalian at higit sa lahat may takot sa Diyos.

Laman ng balita ngayon ang umano’y pangingikil ng P15 milyon ni National Food Authority (NFA) Administrator Arthur Juan sa isang negosyante.

Seryoso ang akusasyong ito. Tagli-limang milyon daw sila nina Interior and Local Government Sec. Mar Roxas at Food Security and Modernization Sec. Kiko Pangilinan.

Ayon sa nag-aakusang negosyante, mayroon siyang mga tsekeng hawak na magpapatunay at gagamitin niyang ebidensya. Hawak na ito ngayon ng National Bureau of Investigation (NBI).

Kapalit daw ito nang pagpapagaan sa isinampang kaso laban sa kaniya at pagpayag na mabuksan muli ang kaniyang warehouse ng bigas sa Bulacan na naipasara nitong nakaraang buwan.

Ang alegasyong ito ang naging dahilan kung bakit nagbigay ngirrevocable resignation si Juan.

Sinasabi naman ngayon ng Palasyo na kung sinuman daw ang ipapalit kay Juan dapat ‘yung may integridad. Si Juan ay isang presidential appointee o in-appoint ng Pangulong Noy Aquino na mamuno sa NFA.

Kaya naman, lito ang taumbayan sa pakahulugan ng presidente sa integridad kung mismong ang kaniyang inupong NFA administrator ay sentro ngayon ng isyu.

Para sa BITAG Live, kung nagsumite man ng irre­vocable resignation si Juan dahil­ nasangkot sa kontro­bersiya, dapat magsilbi itong panukat sa lahat ng mga in-appoint sa pwesto.

Sinumang mga makakapal ang mukha at matitibay ang sikmura na walang integridad na gabinete o inilagay ng kani-kanilang mga “patron sa pamahalaan, huwag nang maghintay na sibakin pa, dapat magbitiw nalang agad.

Marami sa mga ahensya ng pamahalaan ang binabakbak ngayon ng kontrobersiya at isyu ng kapalpakan. Andyan ang Department of Energy (DOE), Department of Transportation and Communication (DOTC), Department of Agriculture (DA), Department of Budget and Management (DBM) at Philippine National Police (PNP).

Ang problema, kahit wala nang tiwala ang taumbayan sa mga namumuno sa mga nabanggit na ahensya, patuloy na pinagdidikdikan pa rin ni PNoy na nananatiling mataas ang kanyang tiwala at kum­pyansa sa mga lider nito.

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV.

ADMINISTRATOR ARTHUR JUAN

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

DEPARTMENT OF BUDGET AND MANAGEMENT

DEPARTMENT OF ENERGY

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATION

FOOD SECURITY AND MODERNIZATION SEC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with