P1B sa agri winasak ni Luis at Mario
MANILA, Philippines - Umaabot sa P1,144,599,746 bilyon ang halaga ng napinsala sa agrikultura ng bagyong Luis at Mario na dumaan sa bansa ngayong Setyembre.
Ayon sa Department of Agriculture (DA), sa naturang halaba ay may 53,800 metic tons ng bigas o may halagang P934 milyon ang nasira sa palayan, 11,566 metric tons o may halagang P151 milyon naman sa pataniman ng mais, high value crops-1,883 metric tons o P42 milyon, pangisdaan-P12.2 milyon ang nasalanta at sa hayupan ay P2.3 milyon ang nasira.
Umaabot naman sa P3.6 milyon ang nasalanta sa fisheries sector dahil sa pagkalugi ng marami sa mga maliliit na isda na naanod ng baha. (Angie dela Cruz)
- Latest