^

Bansa

Millionaire cops uunahin sa lifestyle check

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Uunahing isalang sa imbestigasyon ang mga tinaguriang ‘millionaire cops’ o ang mga opisyal at tauhan ng PNP na may hindi maipaliwanag na kayamanan kaugnay ng isasagawang lifestyle check.

Ayon kay Interior and Local Government Sec. Mar Roxas, umpisa sa mga heneral hanggang sa mababang mga ranggo o ‘top level up to bottom’ ang lifestyle check, walang sasantuhin at wala ring pagtatakpan.

Handa rin si Roxas na pangunahan ang pagsailalim sa lifestyle check. Ang PNP ay nasa ilalim ng superbisyon ni Roxas.

“The lifestyle check would not be subjective, kahit star rank ka pa, Regional Directors, ano ang patakaran, yun ang magiging objective natin,“ sabi ni Roxas.

Una rito, sumingaw na ilang mga pulis na mabababa ang ranggo ay napag-alamang mga milyonaryo kabilang na ang dalawang suspek sa Edsa hulidap noong Setyembre 1 na sina PO2 Jonathan Rodriguez at SPO1 Ramil Hatchero ng La Loma Police Station 1 sa Quezon City.

Naniniwala ang Kalihim na wala namang dapat ipangamba ang mga PNP generals para sa ikinasang lifestyle check kung wala ang mga itong pinasok na illegal na aktibidades para makuha ang angkin ng mga itong yaman sa kasalukuyan.

Sa kasalukuyan ay binubuo na ang investiga­ting team para sa isasagawang paraan sa lifestyle check.

Inimbitahan na rin si BIR Commissioner Kim Henares para maging kasapi ng Investigating team at nakipag-ugnayan na rin siya sa Ombudsman ukol dito.

vuukle comment

COMMISSIONER KIM HENARES

JONATHAN RODRIGUEZ

LA LOMA POLICE STATION

MAR ROXAS

QUEZON CITY

RAMIL HATCHERO

ROXAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with