^

Bansa

GPS ilalagay sa mga bus

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ire-require na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na malagyan ng global positioning system (GPS) devices ang lahat ng pampasaherong bus nationwide.

Ito ayon kay LTFRB Chair Winston Ginez ay upang hanggang sa itinakdang takbo lamang ng mga bus maaaring patakbuhin ang mga pampasaherong bus at tuloy maiwasan ang pag-uunahan at pagharurot ng mga bus habang nasa kalsada.

Ang hakbang ay ginawa ng LTFRB bunga na rin ng pagkakahulog ng Raymond bus sa Quezon province na ikinamatay ng ilang pasahero nito at pagkasugat ng marami na sinasabing dulot ng mabilis na pagtakbo ng naturang bus.

Suspendido na ng 30 araw ang operasyon ng naturang bus company para bigyan daan ang pagbusisi ng ahensiya hinggil dito.

Kaugnay nito, naki­pagpulong ang LTFRB sa mga GPS providers at suppliers upang pag-usapan ang technical parameters at requirements para sa naturang device.

Sinabi ni Ginez na malaking tulong ang GPS para mapigilan ang pagharurot ng mga sasakyan at madaliang ma­laman na ang isang bus ay nasa tamang ruta batay sa kanilang prangkisa.

Hindi rin mapepeke at magagaya ang natu­rang device dahil sa accredited supplier lamang ng LTFRB ito mabibili at mailalagay sa kanilang unit.

vuukle comment

BUS

CHAIR WINSTON GINEZ

GINEZ

KAUGNAY

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND REGULATORY BOARD

QUEZON

RAYMOND

SINABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with