Hepe ng La Loma Station, sinibak
MANILA, Philippines - Sinibak na sa puwesto ni Quezon City Police District Chief Supt. Richard Albano ang hepe ng Police Station 1 dahil sa umano’y command responsibility kaugnay sa isyu ng umano’y abduction na naganap sa EDSA na naging viral sa social networking site.
Sa impormasyong ibinahagi ng QCPD, ang sinibak sa tungkulin ay si Supt. Osmundo de Guzman, hepe ng Police Station 1, kung saan pansamantalang inilipat ito sa District headquarters support unit (DHSU) sa Camp Karingal.
Bukod dito, nagpalabas na rin ng manhunt operation si Albano laban sa walo pang opisyal ng nasabing himpilan na minarkahan nang absent without leave (AWOL) kasabay ng imbestigasyon kung may iba pang criminal records ang mga ito.
Pinakukumpiska na rin ni Albano ang service firearms at badge ng mga sangkot na opisyal, habang nagsasagawa ng malalimang imbestigasyon ang Directorate for Investigation and Detective Management ng PNP.
Nauna nang napa-ulat ang pagkaka-aresto sa isang suspek na umano’y police official na hawak ngayon ng PNP sa Camp Crame.
- Latest