^

Punto Mo

20 ‘Kapangyarihan’ ng Mani

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

Mas magiging “safe” at “healthy”  ang pagkain ng mani kung ito ay nilaga (nasa shell), hinurno (meron o walang shell) o sinangag (wala sa shell). Ang paraan ng pagsasangag ay hahaluin sa mainit na kawali nang walang mantika.

1. Nagpapaunlad ng “fertility”.  Ang mani ay mayaman sa folic acid na kailangan bago magbuntis at sa mismong panahon ng pagbubuntis. Ang folic acid ang tumutulong upang maiwasan ang abnormality sa fetus.

2. Nare-regulate ang blood sugar.  Mayaman sa manganese ang mani. Ang manganese ay tumutunaw sa fat mula sa fried foods. Tinutunaw din nito nang maayos ang carbohydrates para hindi maging dahilan ng pagtaas ng blood sugar.

3. Kinokontrol ang Cholesterol.  Ang mani ay may oleic acid, isang uri ng mono-unsaturated fatty acid na nagpapababa ng bad cholesterol at nagdadagdag ng good cholesterol sa ating katawan. Mayroon din itong copper na tumutulong upang maiwasan ang sakit sa puso.

4. Pinipigilan ang pagkakaroon ng sakit sa bato sa apdo. Ang pagkain  ng one-fourth cup na sinangag na mani o 2 kutsarang peanut butter per week ay nakakabawas ng 25 percent tsansang magkaroon ng bato sa apdo.

5. Pinipigilan na magkaroon ng depresyon. Nagtataglay ng tryptophan, na nagpo-produce ng serotonin, ang umaasiste sa utak upang maging maayos ang  ating “mood”.  (Itutuloy)

ITUTULOY

KINOKONTROL

MAYAMAN

MAYROON

NAGPAPAUNLAD

NAGTATAGLAY

PINIPIGILAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with