^

Bansa

PNP peacekeepers sa Liberia ligtas sa Ebola

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ligtas sa nakamamatay na Ebola virus ang 30 tauhan ng PNP na nagsisilbing United Nations (UN) peacekeepers sa Liberia.Ito ang tiniyak kahapon ni PNP spokesman Chief Supt. Reuben Theodore Sindac, base sa impormas­yon na ipinarating ng PNP Contingent Commander sa Liberia.

Inatasan na rin ang contingent commander ng United Nations Mission in Liberia (UNMIL) na si P/Supt. Gerardo  Avengoza na arawang magbigay ng update hinggil sa health status ng mga Pinoy police.

Sabi ni Sindac wala namang gagawing emergency pull out sa mga PNP peacekeepers sa nasabing bansa.

Pinayuhan na rin ang mga PNP contingents na magsagawa ng pag-iingat tulad ng pag-iwas sa mga taong nagtataglay ng Ebola virus, huwag magtungo sa mga komunidad na apektado ng karamdaman, paghuhugas ng kamay at iba pang precautionary measures.

Umaabot na sa mahigit 1,000 ang death toll sa mga bansa sa West Africa na apektado ng Ebola tulad ng Liberia,  Sierra Leone at Guinea.

AVENGOZA

CHIEF SUPT

CONTINGENT COMMANDER

EBOLA

GERARDO

REUBEN THEODORE SINDAC

SIERRA LEONE

UNITED NATIONS

UNITED NATIONS MISSION

WEST AFRICA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with