^

Punto Mo

Uniporme ng mga driver sa pampublikong sasakyan, tutukan!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

SA memorandum circular  2011-004 ng LTFRB kabilang rito ang tamang kasuotan at maayos na itsura ng mga driver sa mga pampublikong sasakyan.

May inilaang parusa at multa sa sinumang lalabag dito.

Nakasaad umano sa memorandum na ang  mga marungis, mabaho o may ‘putok’ na driver  sa mga pampublikong sasakyan ay maaaring kasuhan at maparusahan.

Sa unang pagkahuli, ang isang driver ay sinasabing pagmumultahin ng 2,000, sa ikalawang pagkahuli naman P3,000 multa at suspension ng dalawang buwan sa pagpasada at sa ikatlong offense naman  ay multang P5,000 at kaselasyon ng prangkisa ng sasakyan.

Pero nilinaw ng LTFRB na kailangan may magreklamo, kaya nga raw walang napaparusahan eh dahil sa wala namang commuter o pasahero na nagrereklamo.

Eh, katwiran naman ng mga pasahero kung hindi raw naman nila matiis ang amoy,  bababa na lang sila, kung irereklamo pa nila ito malaking abala.

Pero, bakit nga ba kailangan pa na may magreklamo, eh pwede naman talagang maging maayos ang itsura at kaanyuan ng isang driver sa mga pampublikong sasakyan.

Hindi nga ba’t may patakaran na rin naman ang LTFRB tungkol sa pagsusuot ng maayos na uniporme ng mga driver.

Ito hindi na kailangan ang reklamo ng pasahero, makikita naman ito sa lansangan, bakit hindi doon ipatupad ang mga kautusan.

Nakasaad na sa mga pampasaherong jeep dapat ay kulay blue na t-shirt, nakapantalon at sapatos o sandals na may kasama pang medyas ang dapat, kulay puti namang polo sa mga driver ng bus, taxi at AUV at kahit anong kulay na pantalon.

Marami ang pumapasada lalu na sa mga jeepney driver ang nakasuot ng sando, short at tsinelas, ang ilan talagang marungis tignan,  ito ay kitang-kita sa mga lansangan.  Bakit hindi sila magpakalat ng ta­uhan ng tutok sa ganito.

Kung maipapatupad ang mga kautusan, hindi magta­tagal susunod at susunod ang mga yan kahit napipilitan, hanggang sa masanay na silang tuluyan.

Kaya  nababalewala ang batas ay dahil sa hindi naman lubusang naipapatupad kaya hindi nakakasunod.

BAKIT

DRIVER

NAKASAAD

NAMAN

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with