^

Punto Mo

EDITORYAL - Pabonggahan ng damit sa SONA

Pang-masa

MAY katwiran si dating senador Joker Arroyo na hindi dumalo sa State of the Nation Address (SONA) ni dating President Gloria Macapagal Arroyo noon. Sabi ni Joker, hindi raw siya dumadalo sa SONA ni GMA sapagkat ito ay “fashion show” lamang.

Tama ang senador. Parang “fashion show” nga ang SONA. Hanggang ngayon, patuloy pa rin ang pagpapagandahan ng damit ng mga dumalo sa SONA. Mapapansin ang mga may magagandang damit sapagkat para silang nagpuprusisyon habang papasok sa Batasang Pambansa. Hindi makakalampas ang mga asawa ng senador, kongresista at mga panauhin sa media na nakaabang na sa kanila.

Noong Lunes na mag-SONA si President Noynoy Aquino, muli na namang lumutang ang mga maga­ganda at mamahaling gown ng mga senadora, congresswomen at ang mga asa-asawa ng mambabatas. Maski si Kris Aquino na kapatid ni P-Noy ay napakaganda rin ng gown. Ang ibang gown ay creation pa ng mga kilalang Pinoy designer. Hindi naman kapani-paniwala ang sinabi ng isang congresswoman na ni-rent lang niya ang suot na gown. Ngayong nabulgar na maraming mambabatas ang nakatanggap ng DAP, imposibleng hindi sila makabili ng sariling gown. Sino ang niloloko nila?

Habang marami ang nagniningning sa mga suot nilang gown, marami naman ang halos masiraan na ng ulo kung saang kamay ng Diyos hahanapin ang kakainin sa maghapon. Habang umiindayog ang mga gown sa bawat paghakbang ng may suot nito, patuloy naman ang pagrerebelde ng sikmura ng mga nakatira sa kariton, waiting shed, ilalim ng tulay at mga silong ng puno. Habang nagpapagandahan sila sa suot na gown, marami namang biktima ng Yolanda ang hanggang ngayon ay nasa mga tent at gusto nang mawalan ng pag-asa.

BATASANG PAMBANSA

GOWN

HABANG

JOKER ARROYO

KRIS AQUINO

NOONG LUNES

PRESIDENT GLORIA MACAPAGAL ARROYO

PRESIDENT NOYNOY AQUINO

STATE OF THE NATION ADDRESS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with