Lovi nagbago ang buhay kay Rocco!
MANILA, Philippines - Nagbabalik ang Horror Princess na si Lovi Poe sa Shake, Rattle & Roll XV Flight 666. Si Matteo Guidicelli ang kapareha niya na ididirek ni Perci Intalan para sa 2014 Metro Manila Film Festival.
“The story is different. Parang it’s scary nga kasi wala kang takas sa airplane,” sambit ni Lovi sa storycon ng movie.
Pangatlong paglabas sa SRR series ni Lovi. Una ‘yung episode na Christmas Tree at ‘yung huli niya ay ‘yung episode na pinagsamahan nila ni Vhong Navarro na dinirek ni Chito Roño. Sa eroplano ang setting ng movie, eh lingid sa kaalaman ng lahat, takot sumakay sa eroplano ang aktres, huh!
“I really am (afraid of airplanes). I really get so paranoid. That’s why I ask for a drink when I am there,” saad ng aktres.
Alam daw ng boyfriend na si Rocco Nacino na takot siya sa eroplano. Paano ‘pag may turbulence? Ano ang ginagawa ni Rocco?
“Sabi niya, ‘Hey, it’s okey!’ Kasi I always look outside kung may clouds. Eh, clouds, ‘di ba? Sabi ko, parang lubak lang ‘yan sa air,” tugon niya.
Eh, feel na feel naman daw ni Rocco ‘yung turbulence, huh!
“May free hug siya! Ha! Ha! Ha!” biro ni Lovi.
Bakit parang ang saya-saya niya ngayon?
“Ano ako ngayon, everything is different. Very positive ang outlook ko ngayon. Ang daming nagbago kasi ngayon since I got back from Europe.
“May time to think about things. Marami akong pinag-isipan. Ang dami kong ni-let go and the moment ni-let go ko ang iba’t ibang bagay, mahirap siyang gawin pero nagawa ko na, ang sarap pala ng pakiramdam,” rason ng aktres.
Malaking tulong daw ang pagkakaroon nila ng relasyon?
“Yeah! Malaking tulong siya. Kumbaga, additional na tulong. In what way? Siguro parang…Well, I’ve always been a happy person. Kumbaga, I’m probably extra inspired!” katwiran pa ni Lovi.
Madalas din naisasama ni Rocco si Lovi sa mga family occasions nila.
“Yeah, yeah! Their family is great! As in, ang gandang halimbawa! Ha! Ha! Ha! Kasi their family is parang…they’re so close. Tuwing magkakasama sila, may games, huh! As in it’s really fun!” chika niya.
So very close na siya sa pamilya ng boyfriend?
“I cannot say I’m really close. But I feel welcome naman. I can feel naman na nice sila at comfortable ako,” sagot niya.
Nahawa na rin daw si Lovi sa pagiging gym addict ng boyfriend.
“Yes, yes! We work our together. First, we eat together. Foodies ang tawag namin sa aming dalawa. And then now, we’re working out together. Pambawi sa lahat…” balita ni Lovie.
Mga simpleng bagay lang naman daw ang nagpapasaya sa kanila. Pero ‘yung laging nag-uusap ang gusto nila sa isa’t isa.
“Hindi kami nauubusan ng pinag-uusapan. Kasi para kaming mag-best friend. We can talk about anything! And it’s a good thing. I can talk about anything with him!” pagmamalaki ni Lovi sa boyfriend.
Pagdating naman sa series na Ang Dalawang Mrs. Real, nakatakda na silang magharap ni Maricel Soriano, bagay na ikinakabog ng dibdib ni Lovi, huh!
Janella ayaw nang ipangalandakan na crush si Daniel
Tumigil na ang young actress na si Janella Salvador nang ma-bash siya ng Kathniel fans dahil sa tinuran niyang crush niya ang young actor na si Daniel Padilla. Iniwas na niyang magsalita pa tungkol doon sa contract signing niya bilang bagong Regal Baby sa Valencia Homes ni Mother Lily last Saturday.
Pero nandoon pa rin daw ang pagkakaroon niya ng crush sa young actor. Ayaw na lang nga niyang ipagsigawan pa ito dahil baka hindi na matapos ang pagtataray sa kanya ng fans ng dalawa, huh!
Sa ngayon, wala pang plano si Janella na magkaroon ng boyfriend. Lalo na ngayong sunud-sunod ang biyayang dumarating sa kanya, mas nakatuon ang atensyon niya sa series na Be Careful With My Heart at sa interpretasyon niya ng isa sa kanta sa Himig Handog ng Star Records.
Kahit na nga ang nanay lang na si Janine Desiderio ang gumagabay sa kanya ngayon dahil hindi na nakikita ang tatay na si Juan Miguel Salvador, hindi sagabal ‘yon upang manghina ang loob ni Janella, huh!
- Latest