Taxi driver binoga sa ulo
MANILA, Philippines - Dead on the spot ang isang 35-anyos na taxi driver nang ito ay barilin ng dalawang beses sa ulo habang nakatayo malapit sa kanyang bahay kamakalawa ng gabi sa Quezon City.
Ang nasawi ay kinilalang si Nepthalie Escolano, ng Brgy. Pasong Putik. Habang mabilis na tumakas ang suspek na nakasuot ng itim na jacket at sombrero.
Batay sa ulat, bago nangyari ang pamamaril dakong alas-6:30 ng gabi ay nakatayo ang biktima malapit sa kanyang bahay sa Block 38, Lot 16, Ilang-Ilang St., Brgy. Pasong Putik at pinagmamasdan ang naglalaro ng baraha.
Ilang sandali ay sumulpot ang suspek at nagbunot ng baril at walang kaabug-abog na pinaputukan ng dalawang beses sa ulo ang biktima.
- Latest