The Voice Kids pinakamataas ang rating sa Kapamilya
MANILA, Philippines - Mas pinanood pa rin ang ABS-CBN sa mas maraming kabahayan sa buong bansa noong Hunyo matapos pumalo ang average audience share nito sa 45% base sa datos ng Kantar Media.
Ang umaga (6 a.m-12 n.n.) ng ABS-CBN ay nagkamit ng average audience share na 39%.
Isa ang patok na game show na The Singing Bee, na may national TV rating na 12.9%, sa nag-ambag sa lamang.
Nakakuha ng average audience share na 40% ang ABS-CBN para sa early afternoon block (12 n.n-3 p.m.) nito. Siyam na puntos namang mas mataas ang ABS-CBN (42%) pagdating sa late afternoon block (3 p.m.-6 p.m.).
Hindi pa rin natitibag ang Kapamilya network pagdating sa primetime block (6 p.m.-12 m.n.) na may average audience share na 51%, o 21 puntos.
Ang patuloy ng pamamayagpag ng Primetime Bida ay bunsod ng mga dekalidad nitong teleserye kabilang na ang The Legal Wife na nagwakas noong Hunyo 13 sa record breaking national TV rating na 36.2%. Patuloy namang nag-aagawan ang Dyesebel at Ikaw Lamang sa una at ikalawang pwesto sa listahan ng mga pinakapinapanood na programa tuwing weekdays. Mainit namang sinalubong ng mga manonood ang Sana Bukas pa ang Kahapon ni Bea Alonzo noong Hunyo 16 sa national TV rating na 21.7%
Muling pumatok ang pagbabalik ng legal drama seryeng Ipaglaban Mo na hango sa mga tunay na pangyayari. Patunay nito ang average national TV rating na 13.8%
Nakamit naman ng The Voice Kids ang all-time high national TV rating nito na 37.6% noong Hunyo 8. Ang naturang singing reality show din ang nanguna sa listahan ng 15 pinakapinanood na programa sa bansa noong Hunyo sa national TV rating na 35.6%.
Sa kabuuan, 13 programa sa nasabing listahan ay mula sa ABS-CBN kabilang na ang Dyesebel (31%), Ikaw Lamang (30.7%), Maalaala Mo Kaya (30%), The Legal Wife (28.8%), Wansapanataym (28%), TV Patrol (26.8%), Rated K (23.3%), Sana Bukas pa ang Kahapon (21.4%), Mirabella (19. 6%), Home Sweetie Home (18.8%), Goin’ Bulilit (18.7%), at It’s Showtime tuwing Sabado (16.5%).
- Latest