^

Punto Mo

Lalaki sa Amerika, tumagal ng 70 taon ang pagsinok

- Arnel Medina - Pang-masa

HINDI naman malaking bagay ang pagsinok lalo na kung hindi naman ito lumalagpas ng ilang minuto. Ngunit para sa isang lalaki sa U.S., naging isang malaking parte ng kanyang buhay ang pagsinok. Paano’y umabot nang halos pitong dekada ang kanyang pagsinok.

Nagsimula ang pagsinok ni Charles Osborne noong 1922 nang siya ay maaksidente habang nagtatrabaho sa kanyang bukid sa Iowa. Dahil sa aksidente, pumutok ang isang litid sa kanyang utak na siyang sanhi ng kanyang walang katapusang pagsinok. Ang litid na napinsala ang pumi­pigil sa ating pagsinok kaya nang pumutok ito sa kaso ni Charles ay hindi na tumigil ang kanyang pagsinok.

Marami na siyang sinubukan upang mawala ang kanyang pagsinok ngunit walang nangyari. May mga naniniwalang ang pagkagulat ay nakaaalis ng pagsinok, kaya minsan, ginulat si Charles ng isa niyang kaibigan sa pamamagitan ng pagpapa­putok ng shotgun habang siya ay nasa likuran ni Charles. Labis na nagulat si Charles sa putok ng shotgun ngunit hindi rin naalis ang kanyang pagsinok.

Kahit paano ay naging normal naman ang buhay ni Charles sa kabila ng kanyang kondisyon. Nakapangasawa siya at nagkaroon ng trabaho. Iyon nga lang, kinailangan muna niyang i-blender ang kanyang mga kakainin upang maiwasang mabilaukan dahil sa walang tigil niyang pagsinok. Natutunan din niyang kontrolin ang kanyang paghinga upang hindi maging malakas ang ingay na dulot ng kanyang pagsinok.

Noong 1990, himalang tumigil ang pagsinok ni Charles. Pero sumunod na taon, binawian siya ng buhay. Kahit paano, nakaranas naman siya ng normal na pamumuhay na hindi sinisinok kahit sandali bago namatay.

vuukle comment

CHARLES

CHARLES OSBORNE

DAHIL

IYON

KAHIT

KANYANG

MARAMI

PAGSINOK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with