^

PSN Showbiz

On The Job nasa TV na

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Magkakaroon ng TV premiere ang award-winning crime thriller na On the Job, na mapapanood sa Cinema One ngayong Linggo (Hunyo 29) na.

Ang On the Job na ginawa sa direksyon ni Erik Matti ay bahagi ng ika-20 anibersaryo ng Star Cinema. Kasama rito sina Piolo Pascual, Gerald Anderson, Joel Torre, Joey Marquez, Angel Aquino, Shaina Magdayao, Empress, Leo Marti­nez, Michael de Mesa, Vivian Velez, at Rayver Cruz.

Ang star-studded cast na ito ay nagbabahagi ng kwento ng apat na lalaking naghihirap at nagtatrabaho para lamang mabuhay at mabigyan ng suporta ang kanilang mga minamahal sa buhay. Ang dalawa sa kanila ay mga dating preso na ginawang hanapbuhay ang pagiging hired killer. Ang isa sa kanila ay si Mario (Joel Torre) na tinatawag din na “Tatang”. Nang siya’y mabigyan na ng parole, intensiyon niya na magkaroon na ng normal na buhay at tahakin na ang tuwid na daan. Si Daniel (Gerald Anderson) naman ay nakasama ni Tatang bilang kanyang apprentice, at napili siya bilang next-in-line na top hired killer. Sa kabilang grupo naman ay ibang mundo ng mga law enforcer at imbestigador na sina Joaquin (Joey Marquez) at Francis (Piolo Pascual), na naguguluhan dahil sa mga isyu ng moralidad sa kanilang trabaho. Sa pagitan ng dalawang grupong ito ay may malabong separasyon ng kabutihan at kasamaan, at doon maglalaro ang lahat, habang tinatakasan ang kamatayan.

Ang On the Job ay isa sa 21 na pelikula na lumabas noong Directors’ Fortnight ng 2013 Cannes Film Festival sa Cannes, France. Doon ay nakatanggap ito ng standing ovation na tumagal ng dalawang minuto.

Nakatanggap din ng magagandang rebyu ang On the Job mula sa mga foreign at lokal na film critic.

ANG ON THE JOB

ANGEL AQUINO

CANNES FILM FESTIVAL

CINEMA ONE

ERIK MATTI

GERALD ANDERSON

JOEL TORRE

JOEY MARQUEZ

ON THE JOB

PIOLO PASCUAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with