^

Police Metro

Enrile, Bong atbp. may HDO na rin

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang araw ang lumipas matapos magpalabas ng hold departure order (HDO) ang Sandiganba­yan  5th division laban kay Senador Jinggoy Estrada at 12 iba pang sangkot ay nagpalabas din  kahapon ang Sandiganbayan  3rd division ng HDO laban kina Senador Juan Ponce Enrile, Janet Lim Napoles, Atty. Gigi Reyes at iba pa.

Habang ang  Sandiganbayan 1st division ay naglabas din ng HDO laban kay Senador Bong Revilla at iba pang akusado sa plunder at graft case na may kinalaman sa pork barrel scam.

Ayon sa clerk of court ng 1st Division, 19 ang inilabas na HDO laban sa 47 akusado sa mga kaso.

Bukod kay Revilla kasama rin sa kautusan sina Richard Cambe, Janet Lim-Napoles, Ronald John Lim at John Raymund De Asis, na pawang nahaharap sa plunder case.

Kasama rin sa  HDO ang mga akusado sa kasong graft kabilang sina DBM Undersecretary  Mario Relampagos, Rosario Nuñez, Lalaine Paule, Marilou Bare, Antonio Ortiz, Dennis Cunanan ng TRC, Francisco Figura, Ma. Rosalinda Lacsamana, Marivic Jover at iba pang sangkot sa naturang kaso.

Ang mga nabanggit ay hindi maaaring makalabas ng bansa kung walang pahintulot ng korte.

ANTONIO ORTIZ

DENNIS CUNANAN

FRANCISCO FIGURA

GIGI REYES

JANET LIM NAPOLES

JANET LIM-NAPOLES

JOHN RAYMUND DE ASIS

LALAINE PAULE

MARILOU BARE

MARIO RELAMPAGOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with