^

Punto Mo

Cell phone na nakakapagpadala ng amoy, naimbento

- Arnel Medina - Pang-masa

MAY magandang balita para sa mga mahilig kumuha ng litrato ng kanilang mga pagkain gamit ang kanilang smartphone. Salamat sa bagong tuklas na ‘oPhone’ mula sa Amerika, maaari na ngayong samahan ng amoy ang mga larawan ng mga pagkain na kinukunan at ina-upload sa mga social media.

Ang ‘oPhone’ ay naimbento ni David Edwards, isang inhinyero mula Harvard. Bukod sa pagiging imbentor ng nasabing kakaibang cell phone, siya rin ang unang taong nakapagpadala ng isang mensahe na may kasamang amoy nang kamakailan lang ay gamitin niya ang sarili niyang tuklas na ‘oPhone’ upang ipadala ang amoy ng simoy ng hangin ng New York papunta sa isa niyang kaibigan sa Paris.

Ayon kay Edwards, naisip niyang gawin ang ‘oPhone’ dahil naniniwala siyang malaki ang ginagampanan ng ating pang-amoy sa ating mga emosyon. Maraming damdamin ang dala ng iba’t ibang amoy sa atin kaya naisip niyang gumawa ng isang kagamitan na magbibigay ng kakaibang karanasan sa mga gagamit nito sa tulong  ng kanilang pang-amoy. Mas kumpleto kasi ang ating karanasan kapag nakita mo ang larawan ng isang bagay habang nalalanghap mo rin ang mismong amoy nito kumpara sa pagtingin lamang sa larawan ng walang kaakibat na amoy.

Ang ‘oPhone’ ay kayang maglabas ng 32 amoy. Ang 32 na ito ay puwedeng paghalu-haluin upang maka­gawa ng lampas 300,000 na iba’t iba pang amoy. Sa halimbawang ibinigay ni Edwards, kung gustong magpadala ng amoy ng pizza, kailangan lang paghaluin ang amoy ng keso, kamatis, at sibuyas, at ipadala ang pinaghalo-halong amoy nito sa sinumang may ‘oPhone’ din. Kapag natanggap na ang mensahe ay kailangan lamang ilapit ang ilong sa butas sa itaas na bahagi ng mala-joystick na ‘oPhone’ upang maamoy ang halimuyak ng bagong lutong pizza.

Planong ipagbenta ang ‘oPhone’ sa susunod na taon sa presyong $199 (P9,000).

AMERIKA

AMOY

AYON

BUKOD

DAVID EDWARDS

KAPAG

NEW YORK

OPHONE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with