Phl passport na lang ang kulang kay Blatche
MANILA, Philippines - Ang pagkakaroon na lamang ng Philippine passport ang kailangan ni naturalized player Andray Blatche para makasama sa kampanya ng Gilas Pilipinas sa 2014 Asian Games sa Incheon, Korea.
Sinabi kahapon ni PhiÂlippine Sports Commission (PSC) chairman Richie Garcia na isinama na ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang pangalan ng 6-foot-11 na si Blatche sa entry for accreditation at entry by numbers para sa Incheon Asiad.
“Andray Blatche has complied with our first requirement. He was included in the entry for accreditation. Sa entry by numbers, nandoon din siya,†ani Garcia kay Blatche. “So his papers are floating.â€
“As of today, he has to comply with the whole requirements to be included in the national team,†dagdag ng PSC chairman sa sentro ng Brooklyn Nets sa NBA.
Bago umalis si Blatche noong nakaraang Martes ay pinirmahan ni Pangulong Benigno ‘Noynoy†Aquino III ang mga panukala ng Kongreso at Senado para gawin siyang naturalized citizen.
Dinala ng 27-anyos na si Blatche pauwi sa United States ang video ng mga laro ng Gilas Pilipinas sa 2013 FIBA-Asia Championships noong Agosto sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Pinaghahandaan ng GiÂlas Pilipinas ni head coach Chot Reyes ang 2014 FIBA World Cup sa Spain sa Agosto at ang Asian Games sa Incheon, Korea sa Setyembre.Â
Isasama ng SBP si Blatche sa isang two-month training kasama si naturaÂlized player Marcus Douthit.
Isa lamang kina Blatche at Douthit ang puwedeng maglaro bilang naturalized player sa FIBA World Cup at Asian Games.
- Latest