^

Metro

Parak napiktyuran ng motoristang kinotongan

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inireklamo ng isang Pinay na maybahay ng isang Ame­rican national ang isang nagpakilalang pulis-Crame  na nanita umano sa kanila ng paglabag sa batas-trapiko at nangotong ng halagang P400 sa Singalong, Malate, Maynila, kamakalawa ng umaga.

Dala pa ng complainant na si Ana Camuel Lightfoot, 34, ang mga nakunan niyang litrato ng suspek na naka­motorsiklo nang magtungo sa Manila Police District-General Assignment Section para magreklamo.

Makikita sa litrato ang nagpakilalang pulis na naka­suot ng blue with white na pantalon o GOA-B  PNP uniform, naka-jacket ng itim, naka-duty shoes na balat,  naka-helmet ng kulay silver, may kahon o package na nakatali sa likod ng motor­siklong minamaneho nito na kulay pula at may plakang 1768 NM.

Ayon sa reklamo ng ginang, dakong alas-11:00 ng umaga nang sitahin umano ang mister niyang si Damon Lightfoot, 31, American national, dahil tinted umano ang sasakyan nilang Hyundai Grace van  (XGC-747).

“May traffic violation daw po kami dahil tinted yung van namin, pinipilit ho niya kami na magbigay sa kanya ng P2,000 e ang sabi ko e wala kaming pera kaya kinuha niya yong P400 ko at galit pa siya,” anang ginang.

Sinabihan pa umano siya na titiketan at tatanggalin ang plaka ng van at binalaan pa na kukunin ang cellphone niya nang mapansin na ki­nu­kunan niya ito ng litrato gamit ang cellphone.

Nagawa niyang maglabas ng P400 dahil sa takot sa nasabing pulis at huwag silang tiketan. Nang makuha ng suspek ang P400 ay huma­rurot na umano ito patakas.

 

ANA CAMUEL LIGHTFOOT

AYON

CRAME

DALA

DAMON LIGHTFOOT

HYUNDAI GRACE

INIREKLAMO

MANILA POLICE DISTRICT-GENERAL ASSIGNMENT SECTION

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with