^

PSN Palaro

Mixers, Texters pupuwesto sa quarters

RCadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sumasakay sa magkaparehong three-game winning streak, pupuntir­yahin ng nagtatanggol sa koronang San Mig Coffee at Talk ‘N Text ang unang dalawang silya sa quarterfinal round.

Lalabanan ng Mi­xers ang bumabagsak na Alaska Aces ngayong alas-8 ng gabi, samantalang tatapatan ng Tropang Texters ang bumubulusok na Globalport  sa alas-5:45 ng hapon sa 2014 PBA Governor’s Cup sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Huling tinalo ng San Mig Coffee ay ang Barangay Ginebra, 102-90, kung saan nakaharap ni headcoach Tim Cone ang dati niyang player at assistant na si Jeffrey Cariaso ng Gin Kings.

Sasandalan ng Mi­xers sina import Marqus Blakely, James Yap, PJ Simon, Marc Pingris at rookie Ian Sangalang.

Itatampok din ng Mi-xers ang mga bagong hugot na sina Ronnie Matias at 6-foot-8 Yousef Taha ng Batang Pier bilang kapalit nina Yancy De Ocampo at Val Acuna.

Sa unang laro, ibabandera ng Tropang Texters ang nagbabalik na si Paul Harris bilang kanilang pa­ngatlong import matapos sina Rodney Carney at Othyus Jeffers.

Ang 27-anyos na si Harris ang gumiya sa Tro­pang Texters sa titulo ng 2011 PBA Commissio­ner’s Cup.

Umiskor ang Talk ‘N Text ng 102-91 panalo kontra sa Air21 noong Hunyo 2.

vuukle comment

ALASKA ACES

BARANGAY GINEBRA

BATANG PIER

CUNETA ASTRODOME

GIN KINGS

IAN SANGALANG

N TEXT

SAN MIG COFFEE

TROPANG TEXTERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with