Sonsona babawian si Vazquez
MANILA, Philippines - Dalawang Filipino boÂxers ang sasalang sa mahalagang laban kontra sa mga Puerto Rican boÂxers para ilapit ang sarili sa posibleng paglaban sa lehitimong world titles sa taong ito.
Mangunguna rito ang dating kampeon sa WBO super flyweight na si Marvin Sonsona na susukatin uli si Wilfredo Vazquez Jr. sa Sabado sa Madison Square Garden, New York.
Ang mananalo sa laÂbang ito ang siyang kiÂkiÂlalanin bilang NABF featherweight champion at ito ay isa sa mga laban na panuporta sa main event na katatampukan nina Miguel Cotto at ang nagbabalik mula sa injury na si Sergio Martinez.
Bukod sa NABF belt, nais rin ng 23-anyos na si Sonsona na maibaon sa limot ang pagkatalo kay Vazquez noong 2010.
Pinaglabanan nila ang bakanteng WBO super bantamweight at nanalo si Vasquez sa pamamagitan ng fourth round knockout.
Mahigit isang taon ding namahinga si Sonsona bago bumalik at nakaapat na panalo na siya.
Si Froilan Saludar ang isa pang lalaban at haharapin niya si Olympian McWilliams Arroyo sa HunÂyo 19 sa Coliseo Ruben Rodriquez, BayaÂmon, Puerto Rico.
Itataya ng 25-anyos na si Saludar ang 19 panalo at isang tabla karta laban sa 29-anyos na si Arroyo na ipaparada ang 14-1 karta kasama ang 12 KOs.
Ang labang ito ay isang IBF flyweight eliminator kaya’t ang mananalo ay puwedeng tapikin para sa world title fight.
- Latest