Balik kulungan
IBINALIK na si Janet Lim-Napoles sa kanyang kulu-ngan sa Fort Sto. Domingo sa Sta. Rosa, Laguna noong Biyernes ng gabi. Inabot din ng dalawang buwan si NaÂpoles sa OsMak. Nang matapos ang operasyon, dinugo siya kaya hindi muna pinalabas ng mga doktor. Bilin ng mga doctor, kailangang makapagpahinga siya nang mabuti, kung puwede ay may taga-alalay na nurse o caregiver para matulungan siya sa kanyang mga pangaÂngailangan, at mabantayan kung magdurugo muli. Kailangan daw walang stress.
Ang huling bilin ng mga doktor ang sa tingin ko, imposibleng magawa. Si Napoles walang stress? Nakakatawa naman yata iyan. Nahaharap siya sa pinakamalaking iskandalo sa kasaysayan ng pamahalaan ng Pilipinas, kung saan napakaraming mambabatas, opisyal ng gobyerno ang idinadawit niya. Una nang nagsinungaling sa Senado, at ngayon ay daig pa ang ibon kung kumanta. Hindi pa matiyak kung totoo ang lahat ng kanyang pahayag. NahuÂling umiiyak sa kanyang silid sa OsMak dahil wala na raw naniniwala sa kanya. Kaninong kasalanan iyan? Ang taumbayan? Kung hindi stress iyan, ewan mo na!
Nasa Senado na ang mga ebidensiya umano na galing kay whistleblower Benhur Luy. Hinihimay ngayon kung ano ang totoo, at ano ang gawa-gawa lang, parang paÂhabol pa ngang mga impormasyon at akusasyon. May mga nadiskubreng binurang impormasyon mula sa kanyang files na nakuha naman muli ng NBI. Bakit may mga binurang files? Sino ang nagbura ng mga pangalan at ahensiya? O sino ang nag-utos na burahin ang mga iyon?
Dapat ibalik sa Senado si Napoles para gilinging muli sa PDAF scam, at sana, magsabi na ng totoo. Kung nais niyang maniwala ang tao sa kanya, magsalita na siya ng totoo. Hindi raw siya ang utak sa pagnanakaw sa taumbayan. Kung ganun, sabihin na niya kung sino.
- Latest