Chevrome, Candy Crush nalo sa Trophy Race
MANILA, Philippines - Pinaghatian ng Chevrome at Candy Crush ang dalawang “Adopt A Barangay Racing Festival Trophy Race na pinaglabanan kahapon sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.
Si Louie Balboa ang siyang sumakay sa Chevrome na nakatikim ng panalo sa race three na pinaglabanan sa 1,500-metro karera.
Nalagay sa pang-apat at pang-limang puwesto sa naunang dalawang takbo sa buwan ng Mayo, sa back stretch nag-init ang Chevrome para masabayan ang naunang paboritong nagdomina na The Expert.
Sa rekta ay hindi na napigil ang malaÂkas na pagdating ng Chevrome para biguin ang tangkang ikatlong sunod na panalo ng The Expert sa pagdiskarte ni AB Serios.
Naorasan ang nanalong kabayo ng 1:36 sa kuwartos na 18’, 25’, 25’, 26’, upang makuha ang P180,000.00 na inilaan ng Philippine Racing Commission (Phiralcom) at Katialis.
Ang Candy Crush na sakay ni Pat Dilema ang kumuha sa ikalawang special race na itinaguyod ng Philracom at Quezon City Liga ng mga Barangay na pinaglabanan sa mas maigsing 1,400-metro.
Mahusay ang pagtutulungan ng coupled entries na Candy Crush at Tin Man na hawak ni AP Asuncion dahil naunang lumayo ang Tin Man para sumabay ang ibang matutuling kabayo tulad ng Red Heroine.
Sa far turn ay nakadikit na rin ang Candy Crush habang papaubos na ang stable mate.
Mula rito ay hindi na nagpabaya pa ang Candy Crush na iniwan ang naghabol na Red Heroine ni Jaw Saulog ng halos dalawang dipa ang layo.
Ang Tin Man ang pumangatlo pa sa datingan para mapangatawanan ng mga kabayong lahok ni Wilbert Tan ang pagiging liyamado sa tagisan.
May 1:34 tiyempo sa kuwartos na 13’, 25’, 26’, 28’, ang Candy Crush upang maiuwi rin ang P180,000.00 added prize para sa nanalong kabayo.
- Latest