^

PSN Palaro

Lalabanan na si Pacquiao Marquez pipiliting manalo kay Alvarado

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Alam ni Juan Manuel Marquez na ang tanging paraan para makalapit siya sa hinahangad na pang-limang world boxing crown ay ang panalo kay Mike Alvarado sa kanilang title eliminator sa Mayo 17 sa The Forum sa Inglewood, California.

Kung mananalo si Marquez (55-7-1, 40 KOs) kay Alvarado (34-2-0, 23 KOs) ay hahamunin niya si Manny Pacquiao (56-5-2, 38 KOs) para sa suot nitong World Boxing Organization (WBO) welterweight crown.

“It’s not that difficult for me. Maybe in the future, I will have the most important fight of my career. Right now, I’m thinking about Alvarado because Alvarado is a tough fighter,” sabi ni Marquez.

Muling napasakamay ni Pacquiao ang WBO welterweight title matapos resbakan si Timothty Bradley, Jr. via unanimous decision sa kanilang rematch noong Abril.

Makaraang matalo si Pacquiao kay Bradley mula sa isang kontrobersyal na split decision noong Hunyo 9 ay pinabagsak naman siya ni Marquez sa sixth round sa kanilang ikaapat na pagtatagpo noong Dis­yembre 8, 2012.

Sa kanyang pagbabalik sa eksena noong Nobyembre 24, 2013 ay binugbog ni Pacquiao si Brandon ‘Bam Bam’ Rios sa Macau, China at ang pagganti kay Bradley noong Abril nitong taon.

Asam ng 40-anyos na si Marquez na maagaw sa 35-anyos na si Pacquiao ang WBO belt na maghihirang sa kanya bilang kauna-unahang Mexican fighter na nagkampeon sa limang magkakaibang weight divisions.

“Right now, I’m thinking about Alvarado. I know that Manny Pacquiao is there if I win this fight,” ani Marquez. “I don’t want to look past this fight right now. Let’s find out what happens on Saturday and then go from there.”

ABRIL

ALVARADO

BAM BAM

BRADLEY

JUAN MANUEL MARQUEZ

MARQUEZ

MIKE ALVARADO

PACQUIAO

TIMOTHTY BRADLEY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with