^

Kutob

Mayo 15, 2014

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Ang tiwala at pag-asa ko ay nasa Dios.

 

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Bigyan ng pansin ang pinansiyal na pangangailangan. Tila lalaki ang iyong gastusin sa panahong ito. Isang malapit na kapamilya ang lalapit sa iyo upang humingi ng tulong pinansiyal pero ‘di mo mapapaunlakan. Lucky numbers at color for the day ay 6, 15, 25, 32 at burnt pearl pink.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Walang makakapansin sa iyong ginintuang puso pero huwag tumigil sa paggawa ng kabutihan sa kapwa. Ang nasa itaas ang magbibigay ng biyaya sa iyo kaya patuloy kang manalig sa kanya. Lucky numbers at color for the day ay 10, 21, 31, 40 at garnet red.   

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Tumahimik ka muna kung nag-uumpisa na namang magbunganga ang iyong asawa tungkol sa pera. Kailangan mong harapin na talagang kinakapos ka sa pera. Lucky numbers at color for the day ay 5, 10, 17, 31 at citrine yellow.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Makakatagpo mo ang dati mong mahal. Hahantong na naman sa bawal na relasyon ang inyong pagkikita. Mararamdaman mong mahal ka pa rin niya sa kabila ng lahat na ikaw ay hindi na malaya. Lucky numbers at color for the day ay 5, 9, 24, 32 at peach.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Hawakang mabuti ang natanggap na pera. Hindi pa panahon para gastusin ito. Mag-ingat sa pakikisalamuha sa mga bagong kakilala baka ikaw ay mabiktima. Lucky numbers at color for the day ay 3, 6, 15, 31 at mint green.  

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Subukang maki­pagkita sa dating kasosyo sa negosyo. May mabuting pangyayari ang darating sa iyo sa araw na ito. Huwag ipakita sa mahal sa buhay ang pagpatak ng luha. Maging matatag. Lucky numbers at color for the day ay 4, 17, 27, 39 at violet.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Dadalawin ka ng isang kamag-anak dahil sa suwerteng natamasa. Huwag maging maramot. Ganyan talaga ang buhay, kung sino ang mayroon, siya ang nilalapitan. Lucky numbers at color for the day ay 5, 10, 22, 27 at cherry red.    

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Kakayanin mo ang pagod sa maghapon. Kailangang magpahinga ng todo para makabawi. Kung papabayaan mo, magiging sanhi ito ng karamdaman. Lucky numbers at color fo the day ay 7, 12, 23, 34 at avocado green.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Kukomprontahin ka ng iyong mahal dahil sa hindi maipaliwanag na pangyayari. Magkakaroon ng kaunting tampuhan sa pamilya ngunit huwag mag-alala at madaling mareresulba. Lucky numbers at color for the day ay 1, 11, 20, 36 at blue.   

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Lalong mapapamahal sa iyo ang iyong irog dahil sa iyong ipinakita sa kanya. Humingi ka ng pinansiyal na tulong sa isang kaibigan o kamag-anak, Hindi ka mabibigo. Lucky numbers at color for the day ay 8, 15, 22, 35 at dirty white.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Mabibiktima ka ng isang panlilinlang kung magpapabaya at hindi mag-iingat. Mapapanatili mo ang kanilang paghanga at pagrespeto sa iyo. Ipagpatuloy ang mataas na respeto sa komunidad. Lucky numbers at color for the day ay 2, 16, 31, 40 at silver.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Hindi ka kikibuin ng iyong mahal. Huwag hayaan na lumala ito, pag-ukulan siya ng panahon. Paglalambing at pagsuyo ang kailangan mong gawin. Kung maaari, ilabas mo siya para lalo siyang maniwala na hindi ka nagbago. Lucky numbers at color for the day ay 3, 9, 14, 22 at honey yellow.      

vuukle comment

ABRIL

AGOSTO

COLOR

DAY

HUWAG

LUCKY

NUMBERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with