Procurement ng ‘combat boots’ pinabubusisi
MANILA, Philippines - Kinalampag ng mga nagpakilalang concerned “soldiers†ang pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP), partikular si Chief of Staff General Emmanuel Bautista na paimbestigahan ang ginawang pagbili ng mga bagong pares ng “Kubar combat boots†na ipagagamit sa Philippine Army (PA).
Sa kabila umano ng claim ng AFP na ang nasabing combat boots ay mas matibay kaysa kasalukuyang gamit na combat shoes ng mga sundalo na may maximum stability, comfort at protection sa actual combat training at operations, kinontra ito ng grupo sa pagsasabing mas komportable pa ring gamitin ang dati nilang gamit na combat boots dahil mas angkop umano ito sa ‘field use’ kumpara sa disenyo ng Kubar na para sa ‘garrison use’.
Iginiit pa ng grupo na dapat ay mismong si General Bautista ang umaksiyon at re-evaluate ang kalidad at presyo para matukoy kung may anomalya ang procurement nito dahil lumalabas na iisa lamang ang dumalo sa isinagawang bidding ng Phil. Army Bids and Awards Committee na nagprisinta diumano ng sample na produkto mula China.
Kung ikukumpara umano ang presyo ng Kubar sa dating ginagamit ng mga sundalo, halos triple ang presyo nito.
Lumalabas umano sa unit price ng Kubar boots’ na P4,500 habang ang dating combat shoes ng PA ay nasa P1,300 lamang ang halaga ng bawat pares.
Dahil sa sobrang taas ng halaga ng mga bagong combat boots, sinabi ng grupo ng mga sundalo na maapektuhan nito ang kanilang clothing allowance o mas maliit na halaga na lamang ang kanilang matatanggap.
Kung sa China umano manggagaling ang Kubar boots, ang lokal na industriya ng sapatos sa Marikina ay naapektuhan din dahil sa halip na tangkilin ang gawang Pinoy, na nakakatugon sa requirements para sa angkop na combat boots, sa manggagawang banyaga pa ito ipinagawa.
- Latest