Kelot itinumba, dahil sa droga
MANILA, Philippines - Droga ang isa sa mga motibong sinisiyasat ngayon ng pulisya matapos pagbabarilin hanggang sa mapatay ang isang lalaki ng tatlong hindi pa nakikilalang mga suspek na pinaniniwalaang miyembro ng isang drug syndicate, kamaÂkalawa sa Malabon City.
Dead-on-the-spot sanhi ng mga tama ng bala ng baril sa katawan ang biktima na nakilalang si Benjamin Ignacio, 53, ng Asero St., Brgy. Tugatog ng naturang lungsod.
Lumalabas sa inisyal na pagsisiyasat ng Malabon City Police, naganap ang insidente alas-2:15 ng hapon sa Oro St., Brgy. Tugatog habang ang biktima ay naglalakad sa naturang lugar nang biglang sumulpot ang tatlong suspek at walang sabi-sabing pinagbabaril ito.
Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang mga suspek na hinihinalang miyembro ang mga ito ng isang drug syndicate.
Narekober ng mga pulis sa kaliwang kamay ng biktima ang isang sachet ng shabu at inamin ng isa sa mga kapatid nito na sangkot sa droga si Benjamin. Sa ngayon ay patuloy na iniimbestigahan ang naturang insidente.
- Latest