Visayan autonomous region isinusulong
MANILA, Philippines - Isinusulong ng iba’t-ibang grupo ang pagbuo ng VisaÂyan Autonomous Government (VAG) para lalong mapaÂunlad ang ekonomiya at mapalakas ang kapayapaan sa rehiyon.
Ayon kay Pablito Alcover ng Visayas Autonomous GoÂvernment Movement (VAGM) at bise presidente ng Workers and Peasants Party (WPP) sa Visayas, maaaring itulad sa Bangsamoro Autonomous Government ng Mindanao ang VAG at maipagsama ang Central Visayas (Region 7), Panay, Negros (Region 6) at Eastern Visayas (Region 8) bilang isang rehiyon.
“Ang Kabisayaan ay meron ding rebelyon ng New People’s Army kung saan tinamaan din ng malalaking kalamidad tulad ng bagyong Yolanda at lindol sa Bohol at Cebu noong 2013,†pahayag ni Alcover
Bukod sa VAGM at WPP, ang iba pang grupong suportado ang VAG ay ang League of Barangay Councilmen sa pangunguna ni Ernesto Diores at Tri-Media Association of the Visayas sa ilalim ni Pol Bulilan.
Ang mga grupo ay nakatakdang magkaroon ng national convention sa Agosto 10 sa Club Filipino, San Juan upang talakayin ang naÂsabing isyu.
Kasama rin sa kanilang agenda ang pagsusulong ng presidential candidate mula sa Mindanao sa 2016 eleksyon.
Ayon kay Caraga chairman Victor Carillo, panahon na para magkaroon ng lider ang bansa mula sa Mindanao upang mas maintindihan at matulungan ang rehiyon sa pag-unlad nito.
- Latest