Balikbayan utas sa tandem
MANILA, Philippines - Utas ang isang 51-anyos na balikbayan nang pagbabarilin ng riding in tandem habang naglilinis sa loob ng kaniyang bakuran sa Sampaloc, kahapon ng umaga.
Hindi na umabot ng buhay sa pagamutan dahil sa apat na tama ng bala na tinamo ang biktimang si Diosdado Vinegas, residente ng Sampaloc, Maynila. SinaÂsabing ang biktima ay emÂpleyado ng Marriot Hotel na nakatalaga umano sa branch nito sa Hawaii, USA.
Sa ulat ni SPO2 Jonathan Bautista ng Manila Police District Homicide Section, dakong alas-8:10 ng umaga ng maganap ang nasabing pamamaril sa bakuran ng bahay ng biktima.
Nabatid din na paalis na pabalik sa Hawaii ang biktima ngayong araw (Sabado) kaya naghahanda umano ito para sa despidida party.
Patuloy pa ang imbestigasyon sa kaso upang maÂtukoy ang motibo at pagkilanlan ng mga salarin na sakay ng isang motorsiklo. Pabalik-balik lamang umano sa Pilipinas ang biktima dahil immigrant na ito sa Hawaii, kung saan nakaÂdestino.
- Latest