^

Punto Mo

Kalbaryo sa?trapik hindi?pa rin tapos

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

HINDI pa pala tapos ang kalbaryo ng mga motorista sa nararanasang matinding trapik partikular sa kahabaan ng EDSA.
Ito’y dahil sa inaasahan pa ring pagpapatupad ng mga re-blocking tuwing weekend dahil na rin sa hindi natapos na repair dito ng contractor ng DPWH.

Dapat kasi base sa usapan, isang mega re-blocking ang ginawa na nagsimula noong Semana Santa kung saan kakaunti ang bumibiyahe sa Metro Manila.

Dapat noong nakalipas na Lunes tapos na ang lahat ng gawain dahil nga sa inaasahang pagbalik ng maraming motorista sa kalsada na magbabalik sa Metro Manila.

Eh ayun, hindi nga natapos ang repair kaya nga matinding trapik ang kinaharap ng ating mga kababayan.ʉ۬Hindi naman maibigay ang malinaw na paliwanag kung bakit hindi natapos ang repair sa itinakdang mga araw.

Aba’y hindi lang ang matindi pa ring trapik ang kakaharapin ng ating mga kababayan matapos ang Semana Santa kundi maging ang nakaamba na namang pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo.

Hindi nga ba’t ilang araw lamang natapat pa sa mga pagbibiyahe ng marami ang pagtaas sa presyo  ng petrolyo,

Ngayon may abiso na naman ng pagtaas sa presyo ang mga oil companies.
Mistulang hindi pa tapos ang sakripisyong gagawin ng ating mga kababayan lalo na’t pagpinagpipilitan pa ng mga transport group ang pagtataas sa pasahe.

Sunud-sunod na ang pa­sang krus na ito na kahit na nga tapos na ang Semana Santa, eh hindi pa rin tapos ang kalbaryo sa trapik at mataas na presyo ng petrolyo.


DAPAT

METRO MANILA

MISTULANG

NGAYON

SEMANA SANTA

SUNUD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with