^

PSN Showbiz

Concert ng sikat na Pinoy singer sa Amerika nilangaw, puwedeng magbisikleta sa venue

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Kilala ang Filipino singer-performer na ito internationally pero sa kanyang pinaka-recent concert na ginanap sa isang sikat na venue sa Los Angeles, California ay nilangaw.

“Puwede kang magbisikleta sa loob ng venue. Wala siyang hila sa mga kababayan natin dito sa LA dahil marami ang na-turn off sa kanya,” kuwento ng aming source from LA.

“Actually, maraming mga producer ang nalulugi rito kahit kilala ang featured artist o star pero marami pa rin ang sumusugal sa pagpo-produce.”

Kung sensational ang pagsikat ng singer-performer na ito a few years back, mukhang unti-unti na ring lumalaylay ang kanyang kasikatan ngayon lalo’t patuloy ang pagsulputan ng mas mga bata at magagaling ding singers.

Toni nagpapatayo ng sariling commercial building

Ang sikat na singer-actress-TV host na si Toni Gonzaga ay isang magandang halimbawa na marunong mag-manage ng perang kanyang kinikita sa tulong ng kanyang mga magulang. Hindi lamang pinatutulog ni Toni ang kanyang pera sa bangko kundi inilalaan niya ito sa iba’t ibang investments lalo na sa real properties.

May isang malaking commercial building ding ipinatayo si Toni with the help of her parents na malapit sa SM Taytay, Rizal. Ang ama ni Toni na si Carlito ang bagong halal na vice mayor ng Taytay, Rizal ngayon.

Ang mommy Pinty ni Toni ang tumata­yong manager ng kanyang mga anak na sina Toni at Alex kaya nama-manage niyang maigi ang perang kinikita ng mga ito hindi tulad ng ibang magulang na winawaldas lamang ang pera ng kanilang mga anak.

At 30 years old, Toni is ready to settle down with her long time boyfriend, ang director na si Paul Soriano na apo ng showbiz icon na si Nestor de Villa.

ALEX

CARLITO

LOS ANGELES

PAUL SORIANO

RIZAL

TAYTAY

TONI

TONI GONZAGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with