^

PSN Palaro

Maraño babandera sa Air Asia sa Philippine Super Liga Santiago top pick ng Blaze Spikers

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matapos kumamada sa  University Athletic Association of the Philippines (UAAP) women’s volleyball tournament ay ipapakita naman ni Dindin Santiago ang kanyang talento sa Philippine Super Liga (PSL).

Hinirang ng Petron ang 6-foot-2 na si Santiago bilang top overall pick sa isinagawang PSL rookie draft kahapon sa NBA Café sa SM Aura.

“Gagawin ko ang best ko para manalo ang Blaze Spikers,” sambit ni Santiago sa kanyang unang pag­salang sa nasabing premier club tournament na mag­bu­bukas sa Mayo 10 sa Philsports Arena sa Pasig City at itinataguyod ng Mikasa, Asics, Jinling Sports at Healthway Medical Services.

Inihatid ni Santiago ang Lady Bulldogs sa dalawang sunod na Final Four sa UAAP women’s volleyball.

Sinikwat naman ng expansion team na Air Asia si da­ting La Salle spiker Abigail Maraño bilang second overall pick, habang kinuha ng RC Cola si Iari Yongco ng La Salle-Dasmariñas at idinagdag ng Cagayan Valley si Janine Marciano ng San Beda.

Si Jem Ferrer ng Ateneo ang hinugot ng PLDT kasunod si Norie Diaz ng Perpetual para sa Cignal.

Isinama ng back-to-back champion na Phl Army, dadalhin ang Generika Drugs, sa kanilang kopo­nan si Christine Agno ng Far Eastern University.

Kinuha rin ng Petron ang isa pang NU player na si Carmina Aganon sa second round kasunod si Mayette Zapanta ng Adamson sa third round.

Ibinilang ng Air Asia sina Wensh Tiu ng La Salle, May Macatuno ng Adamson at Arianna Angustia ng Emilio Aguinaldo College.

Si Jill Gustilo ng Adamson ay kinuha ng RC Cola bukod kina UP stalwarts Toni Faye Tan at Southlyn Ramos.

Hinugot ng Cagayan Valley si Charlene Gillego ng FEU, habang pinili ng PLDT si Rysabelle Devana­dera ng Baste at kinuha ng Cignal si Michiko Castaneda ng UP.

Idinagdag ng Generika-Army si Joyce Palad ng UP.

 

ABIGAIL MARA

ADAMSON

AIR ASIA

ARIANNA ANGUSTIA

BLAZE SPIKERS

CAGAYAN VALLEY

CARMINA AGANON

LA SALLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with