Shakey’s V-league season 11 Lady Cobras reresbak sa Blazers
MANILA, Philippines - Magkaroon ng magarang panimula sa pagbabalik sa Shakey’s V-League ang nais ng St. Benilde sa pagharap nito sa CESAFI champion Southwestern University ngayong hapon sa The Arena sa San Juan City.
Noon pang 2010 huling naglaro ang Lady Blazers bago nagpahinga kaya’t tiyak na nais nilang ipakita na isa pa rin sila sa malaÂlakas na collegiate teams at palaban sa titulo sa Season 11 First Conference na inorÂganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s.
Sa ganap na alas-2 ng hapon magaganap ang tagisan at matapos nito ay mag-uunahan sa pagdagit sa kanilang unang panalo ang NCAA champion Perpetual Help at multi-titled San Sebastian sa alas-4.
Parehong talunan ang Lady Altas at Lady Stags sa kanilang unang laro kaÂhit magpupursigi ang daÂlaÂwang koponang ito para hindi malagay sa huling puÂwesto sa Groupo B sa ligang may ayuda pa ng Accel, Mikasa at Akari.
Mahalaga ang bawat panalong makukuha ng mga kasaling koponan dahil ang dalawang teams na mangungulelat sa anim na nagtatagisan sa dalawang grupo ay magpapahinga agad.
Wala pang katiyakan kung makakasama ng Lady Stags ang power hitter na si Gretchell Soltones sa larong ito matapos maÂtapilok sa naisukong laro laban sa FEU.
Ngunit matibay pa rin ang puwersa ng San Sebastian dahil sa mga guest players na sina Maruja BaÂnaticla at Ryzabelle Devanadera.
Ang mga beteranang sina Honey Royse Tubino at Norie Jane Diaz ang magdadala sa Lady Altas na dumapa sa straight sets sa kamay ng nagdedepensang kampeon National University.
Babalikatin ang Lady BlaÂzers nina Theresa VeroÂnas, Janine Navarro, Rossan Fajardo at Lumi Yongco para tapatan ang Lady Cobras na nais na makabangon at mapaganda ang kasaluÂkuÂyang 1-1 baraha sa Group A.
- Latest