^

PSN Palaro

Cebuana, Big Chill sumalo sa liderato

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagpatuloy- ang kinang ng paglalaro ng Cebuana Lhuillier at Big Chill habang binawian ng Jumbo Plastic ang Blackwater Sports sa PBA D-League Foundation Cup kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Ibinagsak ni Riego Gamalinda ang kalahati sa kanyang 22 puntos sa laro sa huling yugto habang nagtala ng mahalagang free throw sina Marcy Arellano at James Martinez para sa 90-86 panalo ng Gems sa Derulo Accelero.

“We’re coming off a win and the tendency is to relax. The good thing is the pla­yers woke up and came back to their senses in time,” ani Gems coach David Zamar na nakuha ang ikalawang sunod na panalo.

May 22 puntos si Paul Zamar, kasama ang 4-of-5 shooting sa 3-point line, habang sina Arellano at Martinez ay may pinagsamang 30 puntos.

Ang dalawang free throws ni Martinez sa foul ni Clark Bautista sa huilng 3.5 segundo ang nagbigay ng apat na puntos na kalamangan para itulak ang Oilers sa 0-2 baraha.

Naipasok ng Big Chill Superchargers ang anim na freethrows sa huling 1:30 sa labanan para maipreserba ang 72-66 tagumpay sa Cagayan Valley Rising Suns at ga­wing apat ang nasa itaas ng team standings ng liga.

Tinalo naman ng Giants ang nagdedepensang Elite,  76-68.

 

BIG CHILL

BIG CHILL SUPERCHARGERS

BLACKWATER SPORTS

CAGAYAN VALLEY RISING SUNS

CEBUANA LHUILLIER

CLARK BAUTISTA

D-LEAGUE FOUNDATION CUP

DAVID ZAMAR

DERULO ACCELERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with