^

Bansa

Paglibre sa Integrated Bus Terminal, pinalawig pa

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinalawig pa ng Metropolitan Manila Development Autho­rity (MMDA) ang paggamit ng libre ng mga provincial bus operator ang itinayong Integrated Provincial Bus Terminal sa Parañaque City hanggang hindi pa na­itatayo ang permanenteng terminal.

Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, bagama’t unang napagkasunduang hanggang anim na buwan lamang maaaring gamitin ng libre ng mga operator ang naturang  terminal, ipinasya na rin nilang huwag munang pagbayarin ang mga ito dahil hindi pa itinatayo ang permanenteng terminal para sa mga bus na bumibiyahe ng Cavite at Batangas.

Matatandaan, na itinayo ang Integrated  Provincial bus Terminalbilang isa mga nakitang solusyon ng ahensiya upang maibsan ang problema ng trapiko sa  Metro Manila partikular sa EDSA Avenue.

Sa datos ng MMDA, may 85 provincial bus terminal sa Metro Manila  at 45 dito ay matatagpuan sa  kahabaan ng EDSA Avenue.

Ngunit ang naturang terminal ay pansamantala lamang dahil nakatakdang itayo ang magiging permanenteng terminal para sa mga provincial na may rutang Cavite at Batangas.

Dahil libre ang paggamit ng terminal, ma­laki ang natitipid ng mga bus operator dahil hindi na nila kailangang umupa ng kanilang gaga­wing terminal.

 

BATANGAS

CAVITE

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

INTEGRATED PROVINCIAL BUS TERMINAL

METRO MANILA

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHO

TERMINAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with