Public school students, may dagdag benebisyo sa QC
MANILA, Philippine s- Upang mahiyakat ang maraming kabataan na makapagtapos sa pag-aaral, magkakaloob ang Quezon City government ng dagdag na benepisyo sa mga estudyante tulad ng mga educational supplies at materials bukod sa libreng edukasyon sa mga public elementary at high schools sa lungsod.
Ito ay makaraang lagdaan ni QC Mayor Herbert M. Bautista ang ordinansa bilang 2269 S-2014 na nagtatag sa basic education enhancement program o kilala sa tawag na “The Basic Education Enhancement Program of QC†na iniakda ni 4th district Councilor Jesus Manuel C. Suntay.
Hinihikayat ng nalagdaang ordinansa ang mga mahihirap na mag-aaral na mag-apply sa programa para sa kumpletong educational at miscellaneous school supplies at materyales depende sa kanilang grade o year level.
Nilinaw ni Councilor Suntay na hindi requirement dito ang mataas na grado sa paaralan dahil layunin ng programang ito na mapagtapos ang mga kabataang mag- aaral at mabigyan sila ng maayos na kalidad na edukasyon.
Ang mga qualified applicants para sa progÂrama ay kailangang mag-apply sa alinmang public schools sa QC, taga lungsod at miyembro ng underprivileged family na may monthly family income na hindi hihigit sa P15,000.
- Latest